NBA FINALS: Celtics, 2-0 na kontra Mavericks

Nanatiling bokya ang Dallas Mavericks sa serye ng NBA Finals kontra Boston Celtics, 2-0.

Sumandal ang Boston sa kanilang mahigpit na depensa upang talunin ang Dallas sa Game 2, sa score na 105-98.

Nanguna sa panalo si Jrue Holiday na humakot ng 26 points at 11 rebounds habang nag-ambag naman ng 21 points at 7 assists si Jaylen Brown para sa Celtics.

Bagamat may triple-double si Luka Doncic na nagtala ng 32 points, 11 assists, at 11 rebounds, kinulang naman ito ng suporta mula sa kanyang mga kakampi.

Susubukan ng Dallas na makabawi sa Game 3 na gaganapin sa kanilang homecourt sa Huwebes, June 13.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *