NBA: Draymond Green, nagpublic apology sa panununtok kay Jordan Poole

Nagbigay ng public apology si Draymond Green dahil sa panununtok sa teammate na si Jordan Poole sa kanilang practice nitong linggo.

Ayon kay Green, na ang muling pagbabalik sa tiwala sa kanyang Golden State Warriors teammates ay ang susi tungo sa pag-usad.

Read More:  Barangay Ginebra takes Game 1 of PBA Governors’ Cup quarterfinals against San Miguel

Noong nakaraang linggo nang mamahagi ang TMZ ng video kaugnay sa insidente kung saan makikita si Green na nakatayo sa wing habang nasa stoppage ng laro, at si Poole naman ay nasa baseline.

Naglakad si Green papunta kay Poole at binangga nito ng kanyang dibdib, bago matulak ni Poole si Green, hanggang sa nagkainitan na.

Read More:  NLEX one win away from semifinals after beating Phoenix in Game 2 of PBA Governors’ Cup

Giit ni Green, malaking kahihiyan ang kanyang ginawa, hindi lang sa kanyang sarili, kundi kay Jordan, sa kanyang team sa sa organisasyon, at sa pamilya nito.