Nawawalang NBP inmate, natunton sa Rizal

Natunton ng Angono Police ang nawawalang New Bilibid Prison (NBP) inmate na si Michael Cataroja.

Ayon sa Bureau of Corrections (BuCor), pinaiimbestigahan na ni Diretor General Gregorio Catapang Jr. kung paano nakatakas sa bilangguan ng Muntinlupa si Cataroja.

Read More:  De Lima says senate not a ‘sanctuary’ for Bato

Maalalang humantong ang pagkakawala nito sa congressional inquiry kung saan sinabi ni Catapang na naniniwala siyang nakatakas ang bilanggo.

Read More:  Public urged to maintain strict cleanliness amid Hantavirus monitoring

Nabiktima na rin ng “fake news” si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla matapos sabihang natagpuan na ang katawan ni Cataroja nang pugot ang ulo. Ang 25-anyos na person deprived of liberty (PDL) ay una nang kinulong sa paglabag sa Anti-Fencing Law.