CAMARINES NORTE – Natagpuang patay nitong Martes, Disyembre 26, ang nawawalang mangingisda mula sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte na pumalaot noong araw ng Pasko.
Ito ang kinumpirma ng Philippine Coast Guard, sa Brigada News FM Daet.
Narekober ang wala nang buhay na katawan ng mangingisdang si Arlen Boque, 59 anyos, residente ng Barangay Manguisoc pasado alas 2 ng hapon kahapon sa dalampasigan malapit sa sementeryo sa Barangay San Roque parehong bayan.
Una rito isa umanong residente ng Barangay 6 ang nagreport sa Coast Guard Station dakong alas 11: 25 ng umaga noong araw ng pasko hinggi sa isa umanong lalaki ang nahulog sa bangka sa vicinity water ng Barangay 6 sa nabanggit na bayan.
Sa pagtatanong ng Coast Guards sa anak ng biktima na si Ariel 20 anyos, patungo umano sila sa Canimog island kasama ang dalawang iba pa nang sila ay magdesisyong bumalik sa Mercedes fish port nang makita nila ang apat na bangkang naghahanap na sa kanila.
Sa kasamaang palad hinampas ng malakas na alon ang kanilang bangka dahilan upang mahulog ang kaniyang ama.
Nagsagawa ng search and rescue operations ang mga awtoridad pero hapon ng pasko ng pansamantalang ihinto ang paghahanap sa biktima dahil sa hindi magandang lagay ng panahon hanggang sa ito na nga ay matagpuang patay kahapon.
Nai- turn over na sa pamilya ang katawan ng biktima.
