DTI pinaalalahanan ang mga nasa business sector na i- check ang kanilang business name certificate

CAMARINES NORTE – Pinaalalahanan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga nasa business sector na i-check ang kanilang business name registration system o ang business name certificate na nag- eexpire kada limang taon.

Ayon sa Camarines Norte DTI Provincial Office tatlong buwan bago ang expiration ng business name registration ay maaari na itong i- renew.

Read More:  Tricycle driver stabbed by minor in Bacolod City

Para naman sa service repair enterprise, ang renewal ay hanggang January 31, 2024 pero ngayon pa lang umano ay tumatanggap na ang opisina ng renewal.

Samantala, ilang araw bago ang bagong taon  ay wala na raw inaasahang pagtaas ang DTI sa media noche items.

Read More:  Binalbagan River residents brace for foul odor, murky water as milling season opens

Hanggang sa katapusan na raw kasi ang price guide na ipinalabas ng ahensiya. Kung meron man ay irereport umano nila ito sa central office.