CAMARINES NORTE – Isasagawa na sa susunod na linggo ang national validation ng Department of the Interior and Local Government (DILG) para sa Seal of Good Local Governance (SGLG).
Kabilang ang Basud sa pitong Local Government Unit sa Bicol na 2023 SGLG Clean Passer sa Regional Calibration noong Hulyo at sa susunod na linggo nga ang national validation.
Ito ang inanunsiyo ni Municipal Local Government Operation Officer Lara Mae Baptisma sa kaniyang mensahe sa ginawang Launching ng Integrated Business Permit and Licensing System (iBPLS)ng LGU Basud na ginanap kahapon sa Municipal Function Hall.
Ayon kay Baptisma isa sa mga tools para ma- assess ang performance ng LGU ay ang SGLG na isa nga sa mga area ay ang business friendliness and competitiveness at makita kung mayroon bang sistema na napapadali ang pag proseso ng pag iisyu ng business permit and licenses.
Maliban sa Basud kabilang din sa 2023 SGLG clean passer ang Iriga City sa Camarines Sur, Barcelona, Irosin, Bulusan, Pilar at Sorsogon City sa lalawigan naman ng Sorsogon.
Paliwang ni Baptisma na sa SGLG ay hinahanapan ang LGU kung mayroon ba itong mga innovations at isa nga dito ang pag streamline ng systems and procedures at pagpapabilis lalo na sa pag proseso ng business permit.
