National level most wanted na may patong sa ulo na ₱90K, naaresto ng PNP

Tuluyang nahulog sa kamay ng mga kapulisan mula Laguna ang itinuturing na national level most wanted person na may patong sa ulo na ₱90,000.00 rewards noong Huwebes, Disyembre 8, 2022.

Kinilala ng Laguna Police Provincial Office ang suspek na si alyas “Ranulo”, residente ng Zamboanga Del Norte.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Naaresto ang suspek bisa ng warrant of arrest sa ikinasang joint operation ng Laguna Provincial Intelligence Unit (PIU), Regional Intelligence Unit 4A, Roxas MPS, Nagcarlan MPS at Zamboanga Del Norte PPO sa Brgy. Lower Irasan, Roxas, Zamboanga Del Norte.

Ang akusado ay nahaharap sa kasong Murder at Qualified Theft na walang pyansang inirerekomenda.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Ayon kay Police Colonel Randy Glenn Silvio, Acting Provincial Director ng Laguna PPO, malaki ang naitulong ng tips ng concern citizen para madakip ang nagtatagong wanted suspect.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Zamboanga Del Norte ang suspek at ililipat sa kustodiya ng Nagcarlan MPS sa Laguna kung saan nagmula ang kaniyang kaso.