National Disaster Resiliency Month , nakatutok sa pagresponde sa pandemya

Ang pagresponde sa pandemya ang pangunahing tututukan ng National Disaster Risk Reduction & Management Council (NDRRMC) ngayong ginugunita ang National Disaster Resiliency Month sa buong bansa.

Pinangunahan nila Defense Secretary at NDRRMC Chairman Sec. Delfin Lorenzana ang kick-off ceremony ng National Disaster Resiliency Month ngayong araw.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

May tema ang nasabing paggunita na “Tamang Pamamahala’t Kahandaan, Kaalaman at Pagtutulungan sa Sakuna at Pandemya’y Kalasag ng Bayan”.

Mababatid na ang buwan ng Hulyo ang itinakdang National Disaster Resiliency Month na layong palakasin ang kahandaan at katatagan ng publiko para sa mga bagay na dapat gawin kapag may sakuna.

Read More:  Defense may call Zuleika Lopez as witness in VP Sara trial

Samantala, kasabay nito tiniyak naman ng NDRRMC na mas paiigtingin pa nila ang pagpapatupad ng kaukulang hakbang tulad ng pagkontrol ng epekto ng sakuna at rehabilitasyon sa mga komunidad.