Kinukunsidera ng Pilipinas na low risk sa COVID-19 transmission ang mga fully vaccinated na mula sa 57 bansa.
Ayon sa Bureau of Immigration (BI), kailangan na lamang mag-present ang mga ito ng quarantine booking na pitong araw pagdating sa Pilipinas.
Ginawa ng BI ang pahayag matapos na aprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ag listahan ng tinatawag na “green” countries and jurisdictions.
Kabilang dito ang Albania, American Samoa, Anguilla, Antigua and Barbuda, Australia, Benin, Belize, British Virgin Islands, Brunei, Burkina Faso, Burundi, Cayman Islands, Chad, China, Ivory Coast, Eswatini, Falkland Islands, French Polynesia, Gambia, Ghana, Greenland, Grenada, Hong Kong, Iceland, and Isle of Man.
Sa ilalim ng bagong protocol, kailangang i-test sa COVID-19 ang mga fully vaccinated travelers sa ikalimang araw ng quarantine.
Pag nag-negatibo ang resulta ng RT-PCR test, kailangang kumpletuhin ng indibidwal ang facility-based quarantine; pero kung mapag-alamang positibo, susundin ng biyahero ang prescribed isolation protocols.
Mag-aapply ang guidelines sa mga bakunado abroad na nanatili exclusively sa kahit saan sa 57 lugar sa loob ng 14 araw bago ang kanilang arrival at mga nabakunahan na sa Pilipinas kahit pa saan ang travel history.