National Disaster Resilience Month 2022 Kick-Off Ceremony ng OCD Bicol, ginawa sa Camarines Sur

NAGA CITY- Sinimulan na ang mga aktibidad may koneksyon sa National Disaster Resilience Month 2022.

Kahapon nagtipon sa isang misa sa Basilica Minore sa Naga City ang mga rescuers at responders mula sa iba’t-ibang LGU, nasundan nito ng Rescue March, suot ng sumama sa aktibidad ang kaniya-kanya nilang mga uniporme sa rescue operations. Sa pangunguna ng Office of the Civil Defense matapos ang pag martsa mula sa Naga City dumiretso ang grupo sa Kapitolyo ng Camarines Sur para sa pormal na programa.

Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal
Read More:  Possible tawas, not shabu, found in Bacolod student’s bag, police say

Masayang ibinahagi sa Brigada News FM ni OCD Regional Director Claudio Yucot na may mga aktibidad na inihanda upang patibayin ang camaraderie.

Sa programa, binigyan diin naman ito ang kahalagahan na may alam ang publiko sa pagligtas ng sarili kung may mga sakuna.