National Commission of Senior Citizens (NCSC), may panawagan sa mga Senior Citizen na magparehistro  para sa mga benipisyo ng gobyerno

BNFM Bicol- NANAWAGAN ngayon ang National Commission of Senior Citizens (NCSC) sa lahat ng mga senior citizen sa rehiyong Bicol na  magparehistro sa Elderly Data Management System para sa kanilang pagtanggap ng mga benipisyo online.

Sa database na ito manggagaling ang basehan kung kwalipikadong tumanggap ng ayuda para masiguro ang mabisang pagpaplano, pagpapatupad at pagsusubaybay ng mga ankop na interbensyon para sa nabanggit na sektor ng lipunan.

Read More:  Farmers’ daughter from Bukidnon tribe tops CPSU Batch 2026 graduates with 1.17 GWA

Dahil dito, nakikipag-ugnayan na ang NCSC sa mga opisina ng Commission on Elections (COMELEC), Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Social Welfare and Development (DSWD, at iba pang ahensya ng pamahalaan sa mas epektibong paghihikayat na magparehistro.

Read More:  2 killed, 1 hurt in Tagum City pedicab shooting

Ikinatuwa ng ilan nating mga senior citizens ang pagbubukas ng ahensyang ito gaya na lang nila Delia Lucido mula sa Pilar, Sorsogon, at Nikita Solano mula sa Daraga, Albay.

Bisitahin lamang ang official website ng NCSC para makapagparehistro. ### Nico Merciales, Intern

PHOTO FROM WEB