Nasawing miyembro ng Fisheries Resource Protection Group na tinaguriang flood hero, pinarangalan

Iginawad ng Civil Service Commission (CSC) ang “Parangal sa Lingkod Bayani” kay Kelly Villarao na tinaguriang flood hero matapos ang ipinamalas na dedikasyon at serbisyo nito sa pagliligtas ng mga apektadong residente nang makaranas ang probinsya ng Cagayan ng malawakang pagbaha dulot ng bagyong Ulysses.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, nasawi si Villarao matapos makuryente habang sinusubukang iligtas ang mga residente sa Linao Norte, Tuguegarao City dahil sa pagbahang dulot ng bagyong Ulysses.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Kabilang si Villarao sa Fisheries Resource Protection Group ng Department of Agriculture- Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Region 02 (DA-BFAR R02).

Ipinasakamay ng CSC Region 2 sa pangunguna ni Director Nerissa Canguilan at DA-BFAR Region 02 OIC- Director Dr. Angel Encarnacion ang nasabing parangal sa asawa ni Villarao kahapon, August 23,2021.

Ipinagkaloob din ng Commission ang Pamanang Lingkod Bayani (PLBi) award na may kalakip na one-time financial assistance na 100, 000 pesos at scholarship sa anumang PASUC-member state university and colleges sa pamilya ni Villarao.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Nakasaad sa ilalim ng Resolution No. 1302553 o Implementing Guidelines on PLBi ng CSC na mabibigyan ng pagkilala ang mga civilian public servants na nagpamalas ng kabayanihan.

Kabilang dito ang mga nasawi habang isinasagawa ang kanilang responsibilidad o tungkulin bilang public servants.

Inihayag din ni CSC Director Canguilan na ang naturang pondo ay nagmula sa Pamanang Lingkod Bayani Fund.