Nasa 200 disqualification case, inaasahang maihahain ng COMELEC bago ang eleksyon sa Oktubre 30

Hindi na matutuloy ang pagtakbo sa halalan ng 35 kandidato para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) matapos na sampahan ito ng disqualification case ng Commission on Elections (COMELEC).

Dagdag pa rito ang iba pang kandidato na kukumpleto sa nasa 200 posibleng hindi na umabot ng botohan sa Oktubre dahil inihahanda na rin ng Komisyon ang mga susunod pang DQ case.

Mismong si Comelec Director Nick Mendros, head ng “Task Force Anti-Epal,” ang pagsasampa naturang diskwalipikasyon sa Clerk of the Commission at sinasabing hindi na kailangang magsagawa ng full-blown hearing sa bawat petisyon dahil sa ikakasang “summary proceedings”.

Ayon naman kay COMELEC Chairman George Garcia, posible pang madagdagan ang nabanggit na bilang ng DQ case dahil sa patuloy na pagsusuri ng ahensya sa mga inihaing reklamo laban sa mga kandidato.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *