Brigada Batangas, binigyang parangal ng DOH-4A

Ginawaran ng ‘Plaque of Appreciation’ ng Deparment of Health (DOH)-CALABARZON ang 104.7 Brigada News FM Batangas kaugnay sa implementasyon ng Measles-Rubella, Oral Polio Vaccine Supplemental Immunization Activity sa rehiyon.

Ayon sa ahensya, isa ang Brigada Batangas sa mga naging katuwang nila sa pagpapakalat ng tamang impormasyon tungkol sa pagpapabakuna ng mga bata.

Bukod dito, katuwang rin ang Brigada Batangas sa panghihikayat sa bawat magulang sa rehiyon na pabakunahan ang mga kanilang mga anak laban sa tigdas at polio.

Ang naturang pagkilala ay kasabay sa ibinigay din na parangal ng DOH sa mga munisipalidad at lungsod sa rehiyon na naging matagumpay sa implementasyon ng nabanggit na mga programa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *