Nasa ₱347k halaga ng hinihinalang shabu, nasabat sa 27-anyos na lalaki sa Pagbilao, Quezon

Arestado ang isang lalaki matapos itong makumpiskahan ng nasa ₱347,000 halaga ng hinihinalang shabu sa Barangay Talipan, Pagbilao, Quezon nitong Miyerkules, Mayo 22.

Sa operasyon na isinagawa ng mga awtoridad, nadakip ang suspek na kinilalang si alyas “Mata”, 27-anyos, matapos makabili ang isang poseur buyer ng hinihinalang shabu mula sa kanya.

Read More:  Man found dead wrapped in duct tape in Negros Occidental

Nasamsam mula sa suspek ang mga sachet ng hinihinalang shabu, buy-bust money na ginamit sa operasyon at isang motorsiklo.

Read More:  Student rider dies after motorcycle crash along national highway in Gensan

Nahaharap ngayon sa kasong R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek na kasalukuyan nang nasa kustodiya ng mga awtoridad.