BNFM BICOL—May paalala ang National Police Commission o NAPOLCOM-Bicol sa lahat ng mga kukuha ng Police Entrance at Promotional Examination ngayong darating na April 9 at April 10 sa islang lalawigan ng Catanduanes.
Ayon sa komisyon, isasagawa ang naturang mga pagsusulit sa Catanduanes National High School sa bayan ng Virac kung saan ang Police Entrance Exam ay ekslusibo lamang para sa mga residente ng probinsya habang ang Promotional Exam naman ay para lang din sa mga police officers ng Catanduanes PPO.
Kaugnay nito, pinapaalalahanan ang lahat ng mga examinees na huwag kalimutang magdala ng valid ID; Notice of Admission; vaccination card para sa mga fully vaccinated individuals habang negative antigen-test naman sa mga hindi pa bakunado, gayundin ang health declaration form mula mismo sa NAPOLCOM.
Binigyang diin rin ng komisyon ang pagsunod sa mga umiiral na health protocols at ang tamang kasuotan kung saan ipinapayo ang pagsusuot ng plain white shirt at maong na pantalon para sa PNP Entrance Examinees habang field service uniform o GOA Type B naman para sa mga Promotional Examinees.###