Camarines Norte halos isang buwan ng walang naitatalang kaso ng COVID- 19

CAMARINES NORTE- Inihayag ngayon ng Provincial Health Office na halos isang buwan nang walang naitatalang kaso ng COVID- 19 sa lalawigan ng Camarines Norte.

Pero mayroon ngayong dalawang pasyente sa COVID ward ng Camarines Norte Provincial Hospital ang itinuturing na suspect at naghihintay ng resulta ng kanilang RT- PCR test.

Ayon kay Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco ipinadala na sa Bicol Regional Hospital and Geriatric Medical Center sa Cabusao, Camarines Sur ang specimen ng dalawa.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Kaugnay nito ay muling hinimok ni Francisco ang mga hindi pa nagpapabakuna na magpabakuna na kontra COVID- 19 lalo pa ngayon na mayroon umanong natuklasang bagong variant.

Sinasabing tila mas nakakahawa umano ang hindi binanggit na variant kumpara sa Omicron na naging dahilan naman ng pagtaas ng mga kaso ng COVID- 19 sa huling bahagi ng 2021 at pagpasok ng Enero 2022.

Kaya importante aniya na ituloy ang pagpapabakuna dahil makakatulong ito ng malaki at magbibigay ng proteksyon kontra COVID- 19.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

“Ang panangga pa rin natin diyan is yung pagbabakuna sa inyo ano, huwag na kayong mag -atubili, huwag ninyong antayin na kayo po ay magkaroon ng COVID, saka pa lang kayo mag iisip na kayo ay magpabakuna ano,” ani Francisco.

“Kailangan po nating ituloy, tapusin ang ating bakunahan at ito po’y makakatulong talaga ng malaki para sa inyo.”