Napaulat na patay sa Odette, umakyat sa 397

Umakyat sa 397 ang mga napaulat na nasawi sa Bagyong Odette base sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council.

Sa isinagawang Palace briefing ay sinabi ni NDRRMC Chief Undersecretary Ricardo Jalad na karamihan sa mga nasawi ay nalunod habang ang iba naman ay nabagsakan ng puno.

Read More:  ICC eyes November 2026 trial for Duterte case

Meron rin ilan ang natabunan ng debris mula sa mga gumuhong imprastraktura, at natabunan ng landslide.

Naiulat rin ng NDRRMC na mayroon 83 katao ang nawawala habang nasa 1,147 naman ang sugatan mula sa bagyo.

Read More:  DOH reports no Ebola cases in the Philippines

Ipinunto naman ng NDRRMC sa kanilang situational report na mula sa nasabing bilang ng fatalities, ay 49 rito ang kumpirmado.