2 NPA na nasawi sa engkwentro sa Barcelona, Sorsogon tukoy na

SORSOGON CITY – Nakilala na ang dalawang nasawi na miyembro ng rebeldeng grupong New People’s Army sa pinakahuling engkwentro sa pagitan ng tropa ng gobyerno sa nasabing bayan.

Kinilala ang mga ito na sina Leonor Chija alias Lyn, residente ng Brgy Gate, Bulan at Romy Frago alias Nanding, naninirahan sa Brgy Dolos ng parehong bayan.

Sina Chija at Frago ay kaswalti sa nangyaring engkwentro alas 8:40 ng umaga noong araw ng Pasko sa Brgy San Ramon. Iniwanan ang mga ito ng kanilang kasamahan matapos na tamaan ng bala mula sa tropa ng pamahalaan.

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

Narekober sa tabi ng mga bangkay at sa pinangyarihan ng engkwentro ang 3 M16 rifle, anti-personnel mine (APM), mga subersibong dokumentos at personal na gamit ng mga rebelde.

Sa pahayag ng Phil Army, aabot sa 20 mga rebelde ang nakasagupa ng tropa ng Alpha Company ng 31st Infantry Battalion katuwang ang 1PMFC ng Sorsogon PNP at ng Barcelona Municipal Police Station. Ang mga ito umano ay pawang mga miyembro ng Komite Probinsyal 3 sa ilalim ng pamumuno ni Arnel Estiller alias Ka Mando.

Read More:  UP-Cebu alumnus who campaigned for free education killed in Negros encounter

Nagpapatuloy ang maigting na Internal Security Operations ng Phil Army at PNP sa lalawigan, hindi lang dahil sa katatapos na anibersaryo ng NPA kundi maging sa patuloy na selebrasyon ng Pasko, at magpapatuloy pa sa nalalapit na pagsalubong ng Bagong Taon.