Napabayaang rice cooker, tinitingnang sanhi ng sunog sa eskwelahan sa Casiguran, Sorsogon

SORSOGON CITY–Halos naabo ang mga libro, mga dokumento at ilang gamit ng mga mag-aaral matapos sumiklab ang sunog sa dalawang clasroom sa Casiguran Central School kaninang umaga.
Sa panayam ng Brigada News FM sa imbestigador ng Bureau of Fire Protection (BFP) sinabi nitong rice cooker na isinaksak sa extension wire ang kanilang tinitingnang pinagmulan ng apo
Dakong alas 9:15 nang maganap ang sunog at alas 9:45 nang ito ay maideklarang fireout.
Ayon naman adviser ng mga estudyanteng umuokupa sa nasunog na clasroom, maliban sa mga gamit sa paaralan gaya ng electric fan, upuan, libro, school records at iba pa ay nasa loob din ng nasunog na gusali ang mga gamit ng mga estudyanteng kasali sa Municipal BSP Camporal.
Mabuti na lang anya at hindi niya pa naipasasauli ang lahat ng mga libro ng mga estudyante dahil kung hindi ay maaaring kasama na rin ang mga ito sa natupok ng apoy.

Read More:  NIR cities, towns recognized for open governance initiatives
Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Inaalam pa ang kabuuang halaga ng pinsalang iniwan ng sunog.
Sa kasalukuyan ay nagpapatuloy ang tatlong araw na Municipal BSP Camporal sa naturang eskwelahan kung saan abala ang mga estudyante at guro sa mga aktibidad sa labas nang mangyari ang insidente.###