Nagpapanggap na milk tea shop na nagbebenta ng banned vape products sa Baclaran – sinalakay

Sinalakay ng pinagsanib-puwersang Department of Trade Industry-Fair Trade Enforcement Bureau at Philippine National Police – Southern Police District ang isang nagpapanggap na milk tea shop na nagbebenta ng ipinagbabawal na vape products sa Baclaran.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Nakumpiska ang nasa higit 400 na mga kahon ng vape products at tinatayang halos P20M ang halaga ng mga ito.

Napag-alamang makikita ang naturang establisyemento malapit sa Baclaran Elementary School na mahigpit na ipinagbabawal sa batas.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Una nang sinuspinde ng DTI ang pagtigil ng produksyon ng tinatawag na ‘flava vape products’ sa paglabag nito sa RA 11900 o ang Vape Law kung saan nakapaloob na bawal ang flavored vape na nanghihikayat sa mga menor-de-edad.