NAGA CITY- Wala nang aktibong kasong COVID-19 sa Naga City, ilang araw na ring walang naitatalang kaso sa lungsod.
Ito ang ibinahagi sa publiko ni Mayor Son Legacion sa State of the City Report kahapon. Aniya ito ay dahil sa partnership ng LGU sa lahat ng sektor lalo pa sa mga health care workers. Idinagdag pa nito na naaabot na ang Herd Immunity. Ang pagbabakuna aniya ang unang hakbang sa pandemic recovery.
Kaugnay nito, ipinagmalaki ng opisyal na kabilang ang Naga City sa 38 pang mga lugar na unang ibinaba sa Alert Level 1 ang quarantine classification ng Interagency Task Force.
Dahil dito naniniwala ang LGU na mas magiging mabilis ang pagrekober sa krisis. Handang-handa aniya ang Multi-awarded City na tuldukan ang takot sa virus.