Naga City walang naitalang evacuees re: Bagyong Egay

NAGA CITY –  Walang evacuees ang Naga City sa ilang araw na nangyaring pag-uulan, mula noong Biyernes at hanggang kahapon araw ng Lunes dahil sa Habagat at Bagyong Egay. Wala namang barangay officials ang nag report sa City Social Welfare and Development Office.

Iyong mga barangay tulad ng Triangulo, Mabolo, Lerma, at Calauag na dati ay mayroon kaagad pag ganitong sunod-sunod ang ulan ay walang naitala.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Kung mayroon dapat nakapag report na sila sa CSWDO, ayon kay Annabelle Vargas, ang head ng naturang opisina.

Sa pakikipag-usap ng Brigada News FM Naga kay Vargas, sinabi nitong halos magdamag din silang naka monitor sa nabanggit ng mga barangay at sa iba pang mga low lying areas kaya nakahanda din sila sakaling may mga evacuees.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Magkagayuman, kahit papano ay may mga iaayuda naman sila sa mga ito, depende na lang sa magiging kautusan ng office of the city mayor.