Naga City SWDO nakaantabay sa posibleng mga evacuees ngayong patuloy ang pag-uulan dala ng Bagyong Amang

NAGA CITY – Nakaantabay ngayon ang mga personahe ng Naga City Social Welfare and Development Office sa posibleng mga evacuees dahil sa patuloy na pag-uulan dala ng Bagyong Amang sa lungsod.

Kabilang sa binabantayan ang Barangay Triangulo na “blockbuster” pagdating sa bilang ng mga nag-eevacuate pag-ganitong may sama ng panahon.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Sa pakikipag-usap ng Brigada News FM Naga kay Eden San Andres, Social Worker ng CSWDO sinabi niyang nakahanda sila, lalo na sa pagbibigay ng ayuda tulad ng mga food packs.

Bukod sa barangay Triangulo, nakaantabay din sila sa Calauag na binabaha na rin.

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

Anya’y wala pa naman silang naitatalang evacuees mula sa mga lugar na ito at maging sa ibang mga barangay.

Binigyang diin niya na bukas sila sa maghapon para bantayan ang mga lugar para agad na makapag-bigay ng ayuda kung kinakailangan.