NAGA CITY – Sa pagpasok ng taong 2024, tuloy din ang pagpasok ng mga pasyenteng posibleng maging HIV AIDS positive sa Naga City Hygiene Clinic, ngayong Enero may tatlo nang nasa confirmatory test at may 10 namang for referral.
Sa paliwanag sa Brigada News FM Naga ni Grace Guevarra, Head ng klinika sinabi nitong hindi sila nawawalan ng kliyente araw-araw na nag a-avail ng free testing para sa sakit na ito, patunay ang bagong datus nilang ito sa ngayon.
Ayon kay Guervarra, ang tatlong indibidwal na nabanggit niya patungo na sa pagkakaroon ng inpeksyon kaya kailangan na ng regular na gamutan sa Bicol Medical Center, samantalang ang 10 naman ay magsasailalim pa sa ilang medical examination subalit kailangan na rin ng maraming gamot para sa posibleng paghadlang sa virus.
Noong nakaraang taong 2023, umabot sa mahihit 100 ang nagpositibo sa HIV AIDS at ang mga ito ay normal na nakikipaghalubilo sa komunidad dahil sa regular naman ang check-up at medikasyon nila.