Naga City flood mitigation board nakatutok sa rehabilitation ng mga luma at sirang drainages

NAGA CITY – Nakatutok ngayon ang Flood Mitigation Board ng LGU-Naga sa pagsasaayos ng mga sira at luma ng mga canal at drainages sa mga barangay na siyang isa sa magiging dahilan ng pagbabaha kung hindi agad maaayos, bago pa dumating ang tag-ulan.

Ayon kay City Disaster Risk Reduction Management Office Head Ernesto Elcamel, regular ang paglilibot nila kasama ang ilang mga personahe ng City Environment and Natural Resources Office at iba pang opisina na nasa mitigation board para tingnan pa kun alin pang barangay ang may problema sa mga kanal.

Sa kanyang pahayag sa Brigada News FM Naga, sinabi niyang may mga barangay na kakaunti lamang ang pondo pagdating sa kalamidad, kaya ang mga ito ay diretsong humihingi ng ayuda sa opisina ng Alkalde.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *