Nabenepisyuhan ng “Balik Pinas, Balik Pampanga” program, nasa mahigit limang libo na

Nasa mahigit limang libo na ang na-benepisyuhan ng programa ng Pampanga Provincial government na Balik Pinas Balik Pampanga.

Sa tala ng kapitolyo, nasa 5, 054 na ang natulungang makauwi sa bansa kung saan 202 pa dito ang kasalukuyang naka quarantine.

Read More:  Wounded NPA member rescued after Negros encounter

Nasa 4, 852 naman ang bilang ng mga napauwi na sa kanilang tahanan matapos makompleto ang quarantine at mag negatibo sa COVID-19.

Ang Balik Pinas Balik Pampanga program ay para sa mga Kapampangan ROFs at OFW na pauwi ng bansa, kung saan sagot ng kapitolyo ang pagsundo sa kanila sa airport, pag quarantine, swab test, hanggang sa pag hatid sa kanila sa kanilang tahanan.

Read More:  Radio commentator killed in BARMM shooting