Na-reclaim ng China sa loob at labas ng EEZ ng bansa, umaabot na ng 3 thousand hectares – Navy

Umaabot na ng 3 thousand hectares ang na-reclaim ng China sa West Philippine Sea.

Ito ang sinabi ni Philippine Navy Spokesperson for the WPS, Rear Admiral Roy Vincent Trinidad sa pulong balitaan ngayong umaga sa Kampo Aguinaldo.

Read More:  Sen. Gatchalian says he is ready if chosen as SP

Ayon kay Trinidad, kabilang sa mga na-reclaim ng China ang Mischief Reef at Johnson reef at maging ang Subi reef na nasa labas ng Exclusive Economic Zone o EEZ ng bansa.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Dito nagtayo ng major bases ang China.

Sa kabila ng nasa labas ng EEZ ang Subi, iligal pa rin daw reclamation na ginawa doon ng China.