Na-comatose na estudyante matapos mabagsakan ng malaking puno ng Akasya sa kasagsagan ng bagyong Paeng, pumanaw na

Dalawang linggo makaraang ma-comatose, pumanaw na ang 22-anyos na working-student na nabagsakan ng puno ng Acacia sa kasagsagan ng bagyong Paeng noong Oktubre 28 sa Brgy Gaboa, Bacon District, Sorsogon City.

Ilang araw bago pumanaw si Christopher Duka ay kinumusta pa ng Brigada News ang kanynag kalagayan sa pamamagitan ng kanyang kasintahan na si Luela Janoras.

Ayon dito, sumailalim si Christopher sa CT scan at iba pang mga tests para makasigurado na walang namuong dugo sa kanyang ulo para hindi na ito isailalim sa operasyon subalit kahapon ng umaga, Nobyembre 8, pumanaw na ito.

Read More:  2 killed, 1 hurt in Tagum City pedicab shooting

Ayon pa kay Luela, masakit sa kanila ang pagpanaw ni Christopher lalo na at hindi pa umano naaabot nito ang kanyang mga pangarap.

Malaki rin ang kanilang panghihinayang dahil patuloy aniya ito sa pag titiyaga para lamang makapagtapos ng pag- aaral, pero dahil sa insidente nabalewala na ang mga pagsasakripisyo ng binata na para sana sa kanyang pangarap.

Read More:  Slain rebels in southern Negros responsible for 26 civilian killings since 2025, Army says

Second year college si Christopher sa kursong Bachelor of Science in Tourism Management sa Sorsogon State University – estudyante sa umaga at nagtatrabaho naman sa gabi.

Kung babalikan, alas 9:00 ng gabi noong kasagsagan ng Bagyon Paeng nang mabuwal ang malaking puno ng Acacia na bumagsak sa ulo ng biktima nang dumaan ito sa nasabing lugar para pumasok sana sa kanyang trabaho.

Ayon sa pamilya, ang binata ay nagkaroon ng traumatic brain injury at blunt abdominal trauma matapos ang aksidente.