KORONADAL CITY- NASA 260 na mga member-consumers na ng South Cotabato Electric Cooperative o SOCOTECO 1 ang nahuli ng Task Force Kuryente Check na nagnanakaw ng kuryente.
Inihayag ni SOCOTECO 1 General Manager Engr. Raffee Edsel Epistola na ito ay bahagi ng kanilang kampanya upang mapababa ang Systems Loss ng kooperatiba.
Upang masugpo ang naturang illegal activity at maibsan ang systems loss, isa sa mga proyekto na ipatutupad ng SOCOTECO 1 ayon kay Epistola ay ang pag-relocate ng mga electric meter sa mga poste sa mga lugar na prone sa nakawan ng kuryente.
Plano din ni Epistola ang paglalagay ng anti-climb device o high voltage station line upang hindi na magalaw ang mga metro at poste.
Ang mga nahuli ay pinagbayad ng differential billing.
Ngunit ayon sa opisyal na kanila nang pinag-aaralan ang pagsasampa ng kaso sa mga nagnanakaw ng kuryente upang may masampolan.
