N. Korea nagtala ng anim na nasawi dahil sa COVID-19

Naitala ng North Korea ang panibagong anim na patay sa gitna ng COVID-19 wave kasabay ng distribution ng medical supplies ng kanilang militar.

Sa report ng state emergency epidemic prevention headquarters, mayroong 269,510 na mga taong mayroong lagnat na nagdala sa kabuuang bilang ng itinuturing na infected sa 1,483,060 habang ang patay ay umabot na sa 59.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Hindi naman malinaw kung ang mga nagpapakita ng simtomas ay nagpositibo lahat sa COVID-19.

Una nang ipinag-utos ni North Korean leader Kim Jong-Un ang immediate deployment ng mga militar para ma-improve ang supply ng mga gamot sa capital city na Pyongyang.

Read More:  Thailand shortens visa-free stay for foreign tourists

Misyon ng medical corps ng NoKor Army na ma-defuse ang public health crisis sa capital city.