N. Korea naglunsad ng 2 pang short-range ballistic missiles

Naglunsad ng dalawang short-range ballistic missiles ang North Korea kasabay ng pagpapadala ng US ng aircraft carrier sa military exercises sa pagitan ng S. Korea.

Sinabi ng Joint Chiefs of Staff ng South Korea na ang dalawang missiles ay pinaputok mula sa isang western inland area sa timog ng North Korean capital ng Pyongyang.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Ayon naman sa Japan military, lumipad ang mga missiles sa isang “irregular” trajectory at umabot sa pinakamataas na 50 kilometro (31 milya) bago bumagsak sa labas ng exclusive economic zone ng Japan.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Tinuligsa ng South Korea at Japan military ang mga pinakabagong paglulunsad ng North at sinabing isang seryosong probokasyon na nagbabanta sa kapayapaan sa rehiyon.//CA