Muslim Affairs Office galit at kinondena ang nangyaring pagsabog sa Marawi State University

NAGA CITY –Hindi napigilan ni Mike Mustapha, head ng Naga City Muslim Affairs Office ang maging emosyonal dahil sa nangyaring pambobomba sa Marawi State University noong nakaraang linggo na ikinamatay ng apat katao at ikinasugat ng marami.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Galit si Mustapha at sinabi niyang kinokondena nila ang nangyari sa kanilang lugar na under rehabilitation pa dahil nga sa nangyaring giyera noon na una na ring nakaapekto sa ekonomiya roon, maraming naghirap at nagutom lalo na ang mga bata.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Sa pakikipag-usap ng Brigada News FM Naga kay Mustapha, sinabi niyang hindi mga Muslim ang may gawa ng pambobomba dahil gusto nila ay katahimikan, tulad ng nararanasan nila sa Naga City, na matiwasay silang namumuhay at nakakapag negosyo.