KORONADAL CITY – NAGLAGAY ng Micro Small and Medium Enterpises o MSME Kiosk ang South Cotabato Economic, Investment and Promotions Center o SCEIPC sa provincial capitol.
Inihayag ni SCEIPC head Tyron Jann Villanueva na ito ay isang paraan upang suportahan at matulungan na maisulong ang mga local products ng mga MSMEs. Tampok sa MSME Kiosk ang mga local food products, fashion accessories, packed coffees, crafts at iba pa na maaaring bilhin bilang panregalo, tokens o pang-meryenda.
Ang pagtatayo ng MSME kiosk ay nakasaad sa Executive Order No.8 ni Governor Reynaldo Tamayo Jr kaugnay Buy Local, Go Local program ng lalawigan. Ang naturang kiosk ay makikita sa harap ng SCEIPC Office, malapit sa Governor’s Office sa main building ng provincial capitol compound.
