Motoristang naharang sa checkpoint arestado matapos makuhaan ng hindi lisensyadong baril

CAMARINES NORTE- Arestado ang isang motoristang naharang sa checkpoint makaraang makuhaan ng hindi lisensyadong baril.

Nagasasagawa umano ng checkpoint kamakalawa ng umaga ang kapulisan sa Purok 7A, Barangay Bagumbayan, Paracale Camarines Norte nang masita ang suspek na si Sonny Dalleon y Encinas, 50 anyos, residente ng Barangay Palanas sa nabanggit na bayan.

Nakita umano ng sumitang pulis  ang dalang baril  ni Dalleon na nakalagay sa itim na belt bag habang kinukuha nito ang kaniyang lisensya.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Bigo umanong makapagpagpakita ng dokumento ang suspek sa dala nitong baril ng hingin ng sumitang pulis.

Nakumpiska sa suspek ang isang kalibre 45 baril na may magazine at kargado ng pitong bala.

Ayon kay PNP Provincial Director PCol Julius Guadamor mas pinaigting nila ang pagpapatupad ng checkpoint sa buong probinsiya upang matiyak ang katahimihan at kaligtasan ng mamamayan.

Kaugnay din nito ay hinikayat ng opisyal ang mga nagmamay ari ng hindi lisensyadong baril na kung hindi pa maasikaso ang pagrenew ng lisensya ay iturn- over muna ito sa PNP.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Agad ikinustodiya ang suspek pati ang dala nitong baril at motorsiklo sa himpilan ng Paracale Police na mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.