Motorista sa Cebu City, nadaganan ng garbage truck – patay

ISA na namang aksidente sa motorsiklo ang nagresulta sa kamatayan sa lungsod ng Cebu.

Nangyari ang aksidente alas-5 ng umaga, kanina, unang araw ng Hunyo 1, sa national road sa sitio Cabancalan, barangay Talamban, Cebu City.

Kinilala ang nasawi na si Kent Duterte, nasa hustong gulang ng sitio Colo, barangay Lahug.

Read More:  Authorities raid Davao steel plant after alleged radioactive, substandard steel discovery

Isang siklista rin ang sugatan na kinilalang si Dovil Pening, 36, binata, ng Cadahuan, Talamban.

Ayon kay Police Corporal Roy Ceniza Desk Officer ng Talamban Police , sakay ng motorsiklo si Duterte saka nag-overtake sa siklista ngunit kanya itong nasagi kaya sya nahulog.

Pagkatapos nito ay nadaganan si Duterte ng isang garbage truck na tyempo namang binabaybay din ang lugar.

Read More:  Bullying cited as motive in fatal attack on coworker in Digos

Ang trak ng basura ay minamaneho ni Benjamin Morga, 56, may asawa na taga Biasong, Bonbon, Cebu City.

Dead on the spot si Duterte matapos magtamo ng malubhang pinsala sa ulo.

Nasa kustodiya na ngayon ng Talamban police ang driver ng garbage truck at ang siklista.
#