Motorista, natagpuang nakahandusay at wala nang buhay sa bayan ng Virac Catanduanes

BNFM BICOL – WALA NANG BUHAY nang matagpuan ang isang lalaki matapos itong maaksidente sa motor dakong alas- 6:10 ng umaga, kanina sa Barangay Pajo Baguio, Virac, Catanduanes.

Kinilala ang biktimang si Michael Lucero Lopez aka “Tagas”, 43-anyos, may asawa, at naninirahan sa Barangay Concepcion, Virac, Catanduanes.

Read More:  ₱4.35-M worth of smuggled cigarettes seized in Negros Occidental

Katabi ng biktima ang kaniyang motorsiklo na ayon sa imbestigasyon ng pulisya, posibleng nawalan ito ng kontrol habang binabaybay ang isang ‘blind curve’, na naging sanhi ng kanyang pagbangga sa isang konkretong poste. Ang malakas na tama sa ulo ang itinuturing na pangunahing dahilan ng kanyang pagkamatay.

Read More:  Public school teacher arrested in Davao del Oro drug bust

Samantala, nagpapatuloy ang follow-up investigation ng mga awtoridad sa naturang insidente. ### Rumer Gran, Intern