Patay ang isang menor de edad habang sugatan naman ang isa pa sa salpukan ng van at motorsiklo sa Barangay Llavac, Real, Quezon nitong Miyerkules, Hunyo 5.
Sa isinagawang imbestigasyon ng mga awtoridad, nag-overtake umano ang van na minamaneho ni alyas “Rolando”, 72-anyos, na naging dahilan upang makasalpukan nito ang kasalubong na motor na minamaneho ng menor de edad.



Samantala, isinugod sa hospital ang dalawang menor de edad na sakay ng motorsiklo matapos magtamo ng mga injury sa katawan subalit idineklarang dead on arrival ang driver.
Sa ngayon, inihahanda ang kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide, Physical Injury and Damage to Property laban sa driver ng van.