BI, tiniyak ang kahandaan sa imbestigasyon ng Senado sa pagdami ng mga Chinese Nationals sa isang village sa Parañaque

Nakipag-ugnayan na raw si Senador Raffy Tulfo sa Bureau of Immigration (BI) kasunod ng naiulat na pagkaaresto ng 37 Chinese nationals sa Multinational Village sa Parañaque City.

Matatandaang naghain ng Senate Resolution si Tulfo hinggil sa pagdami ng mga Chinese nationals sa lugar.

Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay Bureau of Immigration Spokesperson Dana Sandoval, sinabi nitong handa ang kanilang ahensya na tumulong sa imbestigasyon dito.

Samantala, humaharap umano ngayon ang mga nahuling foreign nationals sa immigration deportation case.

Sa sandaling matapos na aniya ito, ipatutupad naman ang deportation.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *