Most wanted sa Guimaras sa kasong statutory Rape (3 counts), huli sa Palawan

Arestado na ang Most Wanted Person sa Guimaras matapos madakma ng pulisya sa Palawan sa Brgy. Pasadeña, El Nido bandang alas-nwebe ng umaga kanina.

Ang suspek ay si BELTRAN TATON DELA CRUZ, 54 anyos, magsasaka na residente ng Brgy. Concordia Sur, Nueva Valencia, Guimaras.

Read More:  Volunteer work, persistence mark Ilog man’s road to Army commission

Hinuli ito ng pinagsanib pwersa ng PIU, Palawan PPO, Regional Mobile Force Company, at iba pang law enforcement unit.

Bitbit nila ang arrest warrant na pirmado ni Judge Rosario Abigail M. Dris- Villanueva sa kaso ng suspek na Statutory Rape (3 counts) na walang inirekomendang pyansa.

Read More:  Grade 10 student dies after lightning strike during Cebu beach picnic

Napag-alaman na suspek si BELTRAN sa panggagahasa sa kamag-anak nitong babae noong taong 2005, 2007 at 2009 habang limang (5) taong gulang pa lamang ang biktima noong 2005.