Monkeypox, pinaghahandaan na ng PHO

Pinaghahandaan na ng Provincial Health office sa Palawan ang banta ng Monkeypox virus na na-detect na rin sa Pilipinas, ayon sa Department of Health.

Ayon kay Health Officer Dr. Erika Faye labrador, sa ngayon tulad sa COVID-19 virus ay nagsasagawa ng close monitoring ang health authorities sa mga pasahero lalo sa paliparan.

Read More:  Army soldier, wife killed after Bacolod family dispute

Ang mga travel history ng pasahero ay mahigpit na minomonitor ng local authorities at sa oras na may ma-detect na sintomas ay agad itong i-isolate.

Sa ngayon ay wala pang na-detect na kaso sa lalawigan pero pinapayuhan ni Dr. Labrador na ipagpatuloy ang minimum heath standard tulad ng pag-iwas sa corona virus.

Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal

Kaugnay nito, sinabi ni Dr. Beverly Ho sa DOH press briefing na batay sa mga ginawang pag-aaral mula sa mga non-endemic countries, naisasalin ang virus sa pamamagitan ng pakikipagtalik sa mga taong positibo nito na nakitaan ng mga rashes sa katawan o mayroong open wounds.