Moderna, interesadong magtayo ng vaccine making facility sa Pilipinas

Intersadong magtayo ng isang vaccine making facility sa Pilipinas ang kumpanyang Moderna na mapapakinabangan ng buong Asia Pacific.

Ayon sa Palasyo, ipinaalam ni Moderna Chief Commercial Officer Arpa Garay at Senior Vice President at General Manager Patrick Bergstedt kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang planong “Shared Service Facility for Pharmacovigilance” sa isang pulong sa Blair House sa Washington.

Read More:  Palace urges INC to guard against destabilization efforts

Kapag maging operational na, ito ang magiging tanging shared service facility ng Moderna sa Asya at ang pangatlo sa mundo kasunod ng Poland at Georgia sa US.

Read More:  Taguig police officer faces administrative complaint over alleged child harassment

Inaasahang kukuha ito ng humigit-kumulang 50 health professionals.

Pinasalamatan naman ni Pangulong Marcos Jr. ang kumpanya dahil sa pagpili sa Pilipinas na aniya ay malaking bagay hindi lamang sa aspeto ng pagbibigay trabaho sa mga Pilipino kundi magiging malaking bentahe ito sa usapin ng kalusugan.//CA