Mobile Legends, magiging pangunahing laro sa Esports sa SEA Games

Magiging pangunahing laro sa Esports sa 33rd Southeast Asian Games sa Thailand ang larong Mobile Legends: Bang Bang.

Ito na ang ikaapat na sunud-sunod na pagkakataon na ang laro ay magiging medal sport sa biennial sporting event.

Read More:  Gov’t races to secure water, power ahead of ‘Super El Niño’

Ayon sa anunsyo ng MOONTON Games, magkakaroon ng laban para sa mga kalalakihan at kababaihan sa nasabing laro.

Read More:  Sara Duterte vows never to resign as impeachment trial advances

Saad naman ng pinuno ng Esports ecosystem sa MOONTON Games na si Ray Ng, ang pagpasok ng laro sa SEA Games ay nagtataguyod ng esports at nagbibigay ng pagkakataon na magdala ng karangalan para sa kani-kanilang bansa.