MMP-Sucat, pinayagang mag-overnight ang mga bisita

Pinapayagang mag-overnight ang mga bisita sa Manila Memorial Park sa Sucat, hindi tulad ng ibang sementeryo na hanggang 5PM lamang ang visitation hours.

Ibig sabihin, bukas ang naturang sementeryo ng 24 oras.

Read More:  Student rider dies after motorcycle crash along national highway in Gensan

Sa kabila ng maulang panahon, hindi natinag ang mga tao sa pagdalaw ng kanilang mga yumao sa Manila Memorial Park.

Dahil dito, masikip ang daloy ng trapiko dahil pinapayagang pumasok sa loob ang mga sasakyan.

Read More:  Former Leyte vice mayor, son found dead; 3 arrested

Samantala, dinarayo rin ang Museleo ng Pamilyang Aquino kung saan nakalagak ang labi nina yumaong dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III, dating Pangulong Corazon Aquino at dating Senador Ninoy Aquino.

Nagpadala rin ng bulaklak si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa puntod ng mga Aquino.