MMDA inilabas na ang listahan na pasok sa 48th Metro Manila Fillm Festival

Kinumpleto na ang walong mga pelikula na ipalalabas sa ika-48 Metro Manila Fillm Festival o MMFF.

Sa post ng mga oranizers, inilabas na ang ikalwang batch ng mga pelikulang pinoy na ipalalabas ngayong pasko.

Kabilang na rito ang ‘Deleter’, isang thriller na pagbibidahan ni Nadine Lustre; ‘Family Matters’, pagbibidahan ni Noel Trinidad at Liza Lorena; ‘Mamasapano: Now It Can Be Told’ na pagbibidahan nina Edu Manzano, Aljur Abrenica ay JC De Vera; at ang pelikulang ‘My Father, Myself’ na pagbibidahan nina Jake Cuenca at Dimples Romana.

Read More:  Ridon calls for probe into pro-Duterte, pro-China personalities

Bago ito, una nang inanunsyo ang unang batch ng mga pelikla kasama na ang ‘Labyu with an Accent’ nina  Coco Martin at Jodi Sta. Maria; ‘Nanahimik ang Gabi’ kasama sina Ian Veneracion atHeaven Peralejo; ‘Partners in Crime’ na pagbibidahan nina Vice Ganda at Ivana Alawi; at ‘My Teacher nina Toni Gonzaga at Joey De Leon.

Read More:  Teodoro challenges China to name politicians allegedly linked to Beijing