MMDA Chairman Abalos nagbitiw sa pwesto

Nagbitiw na sa pwesto si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos nitong Lunes.

Paliwanag ni Abalos ito ay upang pagtuonan ng pansin ang pagiging national campaign manager ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Read More:  Philippines borrows $1.5 billion from ADB amid Middle East crisis

Sinabi ni Abalos, na nagsilbi ring campaign manager ni Marcos noong 2016, na nagsumite na siya ng kanyang resignation letter kay Pangulong Duterte.

Read More:  DFA warns Chinese Embassy over controversial social media posts

Magugunitang si Abalos ang ipinalit kay dating MMDA chairman Danilo Lim matapos itong pumanaw dahil sa atake sa puso.

Wala pa naman pahayag ang Malakanyang kung sino ang papalit sa nabakanteng pwesto ni Abalos.