MMDA at mall operators sa NCR, nagkasundong i-adjust ang mall hours simula Nobyembre 18

Hinimok na ng Metropolitan Manila Development Authority ang mga malls sa National Capital Region na simulan nang i-adjust ang pagbubukas ng mga estabilsyimento sa alas-11 ng umaga simula November 18 hanggng December 25, bilang paghahanda sa Christmas rush.

Ayon kay MMDA chairperson Romando Artes, dedepende na sa mga mall owners ang closing time, ngunit hinihikayat pa rin silang mag-extend, nang sa gayon ay makapag last minute shopping pa ang mga mall-goers.

Bukod pa sa opening hours, hinimok din sila na magsagawa na ng mall-wide sale bago mag November 18 upang hindi na makadagdag sa inaasahang mabigat na daloy ng trapiko.

Naging positibo naman aniya ang reaksyon ng mga mall owners sa kanilang pagpupulong.

Kasalukuyang may 131 malls sa Metro Manila, at 29 dito ang nasa EDSA.