Miyembro ng gang – arestado matapos magnakaw sa Malate, Maynila

Arestado ang isang miyembro ng ‘Bahala na Gang’ matapos pagnakawan ang magkasintahan sa Malate, Maynila.

Kinilala ng Manila Police District (MPD) ang suspek na si Adrian Bautista, 26 anyos.

Read More:  Delayed bridge project leaves Cebu students, residents struggling

Sa ulat ng MPD, biglaan na lamang nilapitan ng salarin ang babae; habang tinutukan ng kutsilyo sa bahagi ng kanyang tiyan.

Pinilit pang kunin ng suspek ang sling bag ng babae na may lamang cellphone, wallet at ATM cards.

Read More:  Four BIFF Karialan faction members return to government in Maguindanao del Sur

Agad namang nakita ng mga pulis na nagbabantay sa area ang nangyaring krimen na siyang sanhi ng pagkadakip kay Bautista.