𝗠𝗜𝗬𝗘𝗠𝗕𝗥𝗢 𝗡𝗚 𝟰𝗣𝗦 𝗡𝗔 𝗡𝗔𝗚𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗦𝗔 𝗞𝗢𝗟𝗘𝗛𝗜𝗬𝗢, 𝗣𝗥𝗔𝗬𝗢𝗥𝗜𝗗𝗔𝗗 𝗡𝗔 𝗜-𝗛𝗜𝗥𝗘 𝗡𝗚 𝗟𝗚𝗨 𝗖𝗔𝗕𝗔𝗚𝗔𝗡 Prayoridad ng Lokal na Pamahalaan ng Cabagan Isabela ang mga nagtapos sa kolehiyo na miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program ang pamilya na maging empleyado ng munisipyo.
Ayon kay Mayor Christopher Mamauag,isa ito sa kaniyang pangako sa pamilyang nagtapos na sa 4Ps na kinakitaan na ng pagbabago sa kanilang buhay.
Mayroon ng 13 4Ps beneficiaries ang nagtatrabaho na sa LGU. Isa dito ay si Pamela Taguinod, na nagtapos na kursong Education at isa ng lisensiyadong guro.
Labis ang kaniyang pasasalamat sa oportunidad na ibinigay sa kaniya ng Lokal na Pamahalaan na malaking tulong sa kaniyang pamilya.