Mister na inakusahan ng concubinage, arestado

Himas rehas ngayon ang isang lalaking may asawa na ‘nag-iingat ng babae’ bilang kanyang mistress matapos na maaresto sa Brgy Marifosque, Pilar, Sorsogon.

Si Polito Llacuna Clemente, 37-anyos, may asawa at naninirahan sa nasabing barangay ay inaresto ng mga tauhan ng Donsol Police katuwang ang 1st at 2nd PMFC.

Read More:  Two NPA rebels surrender, arms cache recovered in Bicol

Ang pag-aresto ay sa pamamagitan ng warrant of arrest na ibinaba ng MTC 5th Judicial Region Donsol, Sorsogon sa kasong concubinage o ‘pakikiapid’ na may itinakdang piyansa na P30K.

Batay sa ulat ng Pulisya, ang akusado ay may ‘kabit’ at patuloy na nakikipagtalik sa nasabing babae na hindi niya asawa.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Ang concubinage ay puwedeng ikaso sa isang lalaki na kasal ngunit nakikipagrelasyon pa sa ibang babae bukod sa kanyang asawa.